COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this personal blog may be reproduced or reprinted the information especially the photographs by any means including computer printing, e-mail, personal website etc. without prior permission of the copyright owner, except by a reviewer who may quote brief passages in a critical article or review.

June 8, 2011

PULOPIÑA HILL-TREKKING

Our day started @ 4:30 am.  It was Sunday, the second and last day of our Concepcion one night vacation (kuno).  Isa-isang gumising to prepare for our hill-trekking which is part of the vacation package.  Noodles na may itlog ang almusal namin.  Ako ang nagluto ng noodles (yan lang kasi ang alam kung iluto, lol), tinapos na nila.  'Yung dalawang guide namin gising na.  But they let us took our time.  Kaya about 7 am na kami nag umpisang lumakad.  I was kinda sad kasi hindi na namin maabutan yung sunrise.  Keri lang.

Yung ang hill na akyatin namin pero hindi tinuro.  Wala kaming hint.  I took the photo after na.

Pinagtawanan namin si John dahil baka kako bumigay yung wood bridge.  Si John d driver hindi sumama sa amin.

Group photo muna bago umakyat.  Para fresh pa yung mga mukha.

The trekking continued.

Ganda ang sikat ng araw no?

Look up mode si Chen-Chen

'Eto yung way pababa to Brgy Igbon.  Dito kami mamaya aakyat pabalik sa Brgy. Pulopiña.  Boundary ika nga.


Rest muna kami.  Medyo mataas na.  Kita na yung Pan de Azucar sa background. 

Ipinagpagpatuloy ang pag akyat. 

Si John huminto na at pinasyang huwag magpatuloy.  Naintindihan naman namin kasi hindi na niya kaya.  At least nakaakyat siya half way.  Mabuti naman at nandun si Mr Abraham (tour guide) na samahan siya.



Parang voluntary exit lang sa Pinoy Big Brother ang drama.



Butlog (daku) island

Ang tataas ng kugon grass.  Kung mapadpad man kayo at sumubok na maghill-trekking sa Pulopiña, naka-pants dapat.  Masakit sa legs eh!

Ayan-pawis na pawis.

'Eto yung exit sa madamong part ng hill.  Kapag nakarinig kayo ng unusual sound.  Ibon yun hindi ahas.  Kapag nakarinig kasi ang ibon ng ingay sinusundan niya.  Keri pa rin si Ng Carmen, may dala pang suklay.
The resting place.  That's Cristina, ang isang tour guide namin.  Anak nya yung nasa tabi niya(upper right).  Ang purpose raw ng dalawang guide ay kapag merong kasamahan na umayaw o hindi magpapatuloy may natira pa ring isang tour guide na magpatuloy sa pag-trek. 

Worth yung pagod no?  Ganda ng view!  Bilib ako sa mga girls.  Hindi sila nag-inarte kahit first time nila.  Isang oras humigit kumulang ang pag akyat namin. 

Pababa, start na!  Hindi na kami bumalik sa daan na dinaanan namin pataas.  Tinahak namin yung opposite way pababa patungo sa Brgy Igbon.

Sikat na sikat ang araw pero hindi naman mainit.  Micai watch your steps. 
This is the most beautiful photo I took.  Of course magaganda ang nasa picture.  Pasensiya ang wala sa picture.  haha.

Yung mga naunang bumaba, kumakaway sila sa amin.

'Eto yung pinakababa na. 

Welcome to Igbon!  People are friendly too.

May signal, may sari-sari store na irn like sa Brgy Pulopiña.


May nakasalubong kami na mangingisda.  May dala siyang baby shark.  Ayan picture-pictue na naman.  Ang bait ni Manong pinahawakan.  Dating gawi, ako ang official photographer.  Hehehe.

Natuwa kami dun sa pangalan ng school.  Becky na becky


Pati puno ng kahoy pinag-tripan.  Si Ng Cristy, yung tour guide namin naging photographer na din.

Akala ko paglagpas namin dito, BAT-OS Island-Camping Resort na.  Hindi pa pala!

Kailangan pa pala buhatin yung Pan de Azucar bago makarating sa Sitio Bat-os, Brgy Pulopiña!  Uy, joke lang.

'Eto yun kanina ang daan pababa.  Inakyat namin. Kakapagod umakyat dito.  Kelangan kong huminto muna.

May patalon-talon para lang makabalik.  Haha.

Charm talaga ni Harry!  At ambabait ng mga tao sa Pulopiña.  Kahit may baril nakangiti pa rin yung boylet.  Astig!

May hinimatay?  Joke lang yan. 

Dito kami hinintay ni John.  Malapit yan sa wood-bridge.

Ayan ang dalawang tour guide namin at kakwentuhan.  Nakaka-miss sila lalo na si Ng Cristy!

Goodbye Pulopiña hill.  Kami raw yung second na nakaakyat na guests ng Bat-os Island-Camping Resort.  Australian girl yung nauna.

Yung hill sa left ang inakyat namin.  Kita raw nila kami dun from here.  Mga 9 am na kami ng makababa at nakabalik sa aming cottage.



UP NEXT:  Island-hopping.


3 comments:

Unknown said...

beautiful area. love the third photo group shot. very nice!!

anney said...

Wow! Breathtaking ang view! Saya naman!

sheng said...

Yes, welcome back! Redlan, kanami sang lugar nga ina!