RedLan commented: Idol! Nabasa ko ‘tong post mo pero hindi agad ako nakapag-comment dahil baka ma-foul ako at dun yung comment ko mapunta sa listahan ng “I do not expect to read this kind of comments”. Binasa ko ulit baka jowk lng ‘to pero seryoso sa banding huli.
Ayoko kumampi at mag-judge agad since hindi naman kita nakita na kumanta o marinig man lang. Pero hanga ako sa’yo. Ayaw kong i-judge ang mga kaibigan mo dahil hindi ko naman sila kilala in the first place.
Honestly, natawa ako sa isinumbong mo, yan ang immediate reaction ko. Kaya I confided this matter sa isang comedian. At the same time ramdam ko ang sakit sa iyong puso kaya sumulat ako sa MMK. At dahil idol kita and I am always a fan, I asked a favor to one of my favorite actors,one of the popular in this generation, to share his simple beginnings, his simple life before he entered showbiz.
Above paragraph is my comment to T. R Aurelius' particular post. The post below is its continuation.
~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*
THE COMEDIAN
May natanggap akong BBM. Isang blog link. The next page went directly to this URL:
http colon double slash theoswriting dot blogspot dot com. Nakita ko agad ang picture. Kahit naka-side view alam ko agad, type siya ng mga kalahi ko. Ramdam ko ‘yung pag-wink ng pilik mata ko, ramdam ko yung pag-grow ng buntot ko. Umandar na naman ang pagka- Petrang kabayo ko. Ewwww. Pero tumaas ang kilay ko ng mabasa ko ‘to:
“alam ko namang napakapanget ko, na malake bibig ko, na banlag ako at maitim pa, oo sabog pa nga minsan mukha ko....”(copy-paste).- weh! Hindi nga!
Nakita ko ‘yung name mo pero hindi ko mabasa. Hindi ko rin ma-pronounce ng tama. Kaya ginu-google ko na lang (copy-paste ulit). Uy, may result ang search. May worth ang effort. Aha! Kaya pala you have interest in music, kapangalan mo pala ang isang singer. Teka, related ka ba kay Jake? May nakita akong pictures mo. Namili ako dun, hindi lang isa, dalawa. Ang isang picture nakasuot ng salamin, ang isa naman full ang smile. Una kong ibinaling ang tingin sa picture mong naka-salamin. “Pag tinanggal mo ‘yung salamin mo (pwede!), Malamang laglag panty ko! (weh!)” Yung picture mo naman na naka-full smile ka. “Yung smile mo parang ice cream, natutunaw ako pag tinitingnan ko lalo.”
Naghanap ako ng eleven digits sa page mo, hindi ko Makita. Ito ang nabasa ko instead, “Math really hates me.” (Toink!) May isang kasabihan, “Kapag binato ka ng bato, ibato mo pabalik.” Kaya sa bawat “that kind of answers” na narinig mo mula sa mga kaibigan mo, tapatan mo rin ng answers that they will not expect to hear from you. Bigyan kita ng answer key
- "ayoko kita makitang kumakanta, natatawa lang ako"- Sige takpan mo mga mata mo, maghuhubad ako.
- "nakakatawa kase itsura mo kapag kumakanta ka eh"- try mo kumanta at iiyak ako.
- "wag ka maingay"- kaw na! kaw na ang maingay!
- "kumakanta ka? weh di nga?"- OO! Weh!!
- "kapag narinig mo siya, matatawa ka lang sa itsura,"- tenga mo nagging mata?
- "hindi ako natatawa sa boses, eh sa itsura lang...." – Kaw nga, nagsasalita pa lang, natatawa na ako kahit hindi tumitingin sa itsura mo.
- "pinapakita ka nga sa tv iiwas din naman agad yung camera,(laughs)" –inggitera kasi ang camera mana sa nagsasalita.
and worst:
- "ang panget mo kaya kapag kumakanta ka."- So gwapo ako KAPAG hindi kumakanta? Kaw, hindi mo na kelangan kumanta para magmukhang panget.
At tulad ng kasabihan tungkol sa bato, dib a ramdam mo nakangiti ang Diyos sa’yo? Pwede iparamdam mo rin yun sa Kanya? SMILE naman dyan...Hmmm, may nagtext: :Sample! Sample!- Vice Panget.
O sha, call time ko na. ShowTime na!
~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*
HOST OF DRAMA ANTHOLOGY
"Criticism makes us grow. Correction is a kindness. Loyal friends will correct or criticize one another; even when it’s painful and disruptive to relationships to do so. It’s one of the ways we show love and help one another to grow stronger. As proverbs 27:6 states: Faithful are the wound of a friend."
"Growth in grace sometimes comes through the kind but unpleasant correction of a loyal friend. Do not refuse it, for “he who receives correction is prudent” (Prov. 15:5 and wise” (9:8-9)."
"When others give us compliments, they are so easy to believe; and through it’s wise to take rebukes, we find them harder to receive"- Sper
"Indeed, correction or criticism from loyal friends can help us change for the better. And when it’s your time to shine, they automatically become your number one fans and are one to be proud of you. Good luck."
"Eto po si Char Char Saint. Magandang gabi Kapamilya."
~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*~o~*
THE VERSATILE ACTOR
Balita ko magaling ka raw magluto. Balita ko marunong ka raw kumanta. At balita ko maganda ka magsulat. Ngayon pa lng sasabihin ko sa’yo, pwede ka maging isang che slash singer slash writer. 3 in 1. In short, versatile.
Nagpapaapekto ka lang sa mga kaibigan mo na umiepal sa’yo. Naranasan ko rin yan before pa ako sumabak sa showbiz. I can’t give you advices but I will share it that experience. It’s something like an example. “A good example has more value than a good advice.”
One time at school, I found myself in danger of failing in Chemistry. But my teacher said that whoever was present that day would receive a passing grade if that student could do whatever the teacher asked. When it was my time to show what I’ve got, the teacher asked: “Do you know how to sing?”
“No sir”, I replied.
Teacher: “Do you know how to act?”
“No sir”, I replied once again.
My teacher asked the third question, “Can you dance?”
I offered to show off my basketball skills instead. But since there was no hoop inside the classroom, I was forced to dance. I said “Okay”. Nung nag-dance ako. Talagang natawa siya at sinabi, “Stop it Gerald, you look like a monkey.” That was it!
You can read my whole story on StarStudio latest issue. Kung bitter ka man ngayon, don’t stop to be better. In the future makamit mo rin yung nakamit ko. Pogi points tayo eh!
-Gerald UndertheSun.
P.S. Ito ay kathang isip lamang base sa personal information ng subject.